Home NATIONWIDE OVP nagpahatid ng tulong sa mga biktima ng bagyong Crising, Habagat

OVP nagpahatid ng tulong sa mga biktima ng bagyong Crising, Habagat

268
0

MANILA, Philippines – PINALAWAK ng Office of the Vice President (OVP) ang pagbibigay ng tulong nito sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng Tropical Storm Crising at Habagat.

Ang OVP Disaster Operations Center sa Quezon City, araw ng Miyerkules, Hulyo 23 ay naghanda ng libo-libong relief boxes na isinakay sa isang trak.

Sinabi ni OVP Spokesperson Atty. Ruth Castelo na ang isang food box ay makatutulong ng ilang araw sa mga pamilyang naapektuhan ng Tropical Storm Crising at Habagat.

“Yung ating food boxes po ang laman niyan ay bigas at mga ilang pirasong canned goods an puwede na nilang pangtawid sa isang pamilya na nagbibilang ng apat, so maybe one day, two days or hanggang tatlong araw kung kaya nila pang i-stretch ‘yung kanilang relief,” ayon kay Castelo.

Tinuran pa ng OVP na may 2,900 relief boxes ang naipamahagi sa mga apektadong residente sa Western Visayas at Northern Luzon.

“An additional 3,000 boxes were scheduled for delivery in Pangasinan beginning Thursday,” ayon pa rin sa OVP.

“In fact, meron na rin kaming partner na kausap darating ‘yan tonight para tumulong sa ’min para makapagdala tayo ng mas maraming food boxes sa mga probinsyang nangangangailangan ng tulong,” ang sinabi naman ni OVP Disaster Operations Center Chief Eymard Eje.

Ang food trucks na nagbibigay ng hot meals ay dineploy para sa mga first responders at iba pang frontliners.

Idinagdag pa ng OVP na naglaan ito ng tulong para sa 5,900 pamilya sa iba’t ibang apektadong lugar sa buong bansa. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here