MANILA, Philippines – Naharang ng Bureau of Customs ang walong shipping container na naglalaman ng buhay na millipedes sa warehouse sa Pasay City.
Ang container ay patungo sana sa United Kingdom noong Nobyembre 19 na idineklarang “assorted consumer goods,” katulad ng powdered juice, face masks, instant noodles, delicacies, photo frames, at iba pa.
Sa X-ray screening, nakita ang iregularidad sa kargamento dahilan para isailalim pa ito sa mas malalim na inspeksyon.
Dito na nga tumambad ang mga buhay na millipedes na itinurn-over naman sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa tamang disposisyon.
Ayon sa BOC, ang insidente ay labag sa Customs Modernization and Tariff Act, partikular na ang misdeclaration at unlawful exportation. RNT/JGC