Home NATIONWIDE 8 Lucena police intel sibak sa pwersahang pagpasok sa bahay sa isang...

8 Lucena police intel sibak sa pwersahang pagpasok sa bahay sa isang operasyon

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Sinabi ni Police Regional Office 4-A chief Police Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas nitong Martes, Mayo 28, ang pagtanggal sa pwesto sa walong police intelligence officers sa pagsasagawa ng operasyon sa bahay ng isang babae sa Lucena City noong Mayo 24.

Inutusan din ni Lucas ang Regional Investigation and Detective Management Division, sa pakikipag-ugnayan sa Regional Internal Affairs Service, na magsagawa ng parallel administrative investigation.

Kasong paglabag sa domicile, grave threats, at unjust vexation ang isinampa ng biktimang si Renelyn Rianzales, 52, kandidato noong 2023 barangay elections, sa Lucena City Prosecutor’s Office laban kina Police Capt. Aaron Herrera, Master Sgt. Richie Yuayan, Staff Sgt. Henry Mago, Staff Sgt. Junar Cabalsa, at Corporal Rainier Zaballa, Allan Abdon, Wilson Bantilan, at Rene John Bartolata.

Iniulat ni Rianzales, kasama si Armando Cubos Paderon, sa pulisya ng Lucena na puwersahang pinasok ng mga armadong lalaki ang kanilang bahay.

Nagsagawa ng imbestigasyon ang pulisya at nalaman na sila ang kanilang mga intelligence operative.

Inalis sila sa kanilang mga puwesto at inilipat sa Regional Headquarters Holding Accounting Section sa kampong ito sa ilalim ng mahigpit na kustodiya.

Inalis din sa puwesto ang hepe ng Lucena police sa ilalim ng doktrina ng command responsibility. Santi Celario