Home NATIONWIDE Operasyon ng mga pantalan sa bansa balik-normal na

Operasyon ng mga pantalan sa bansa balik-normal na

MANILA, Philippines – Balik-normal na ang operasyon ng mga pantalan sa buong bansa, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon sa PCG Command Center, mula alas 12 ngayong hapon ng Martes, May 28, ay “back to normal maritime operations” na ang lahat ng mga pantalan.

Nangangahulugan na clear na rin sa mga stranded passengers at mga sasakyang-pandagat.

“Wala na tayong record ng stranded at taking shelter”, ayon pa sa PCG.

Ito ay matapos isailalim sa heightened alert ang lahat ng coast guard stations bunsod ng pananalasa ng bagyong Aghon na nakaapekto naman sa mga biyahe ng mga barko.

Dahil din sa bagyo, libu-libong mga pasahero ang na-stranded at hindi pinayagang makaalis sa mga pantalan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)