Home NATIONWIDE 8 lugar sa Bulacan apektado ng dalawang araw na water interruption

8 lugar sa Bulacan apektado ng dalawang araw na water interruption

3
0

Bulacan – Inanunsyo ng kinaukulan na magkakaroon ng water interruption mula Oktubre 13-14 sa walong lugar sa lalawigang ito bunsod ng isasagawang maintenance at shutdown ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Sa ulat ng Provincial Government of Bulacan nitong Lunes ng umaga ng Oktubre 12, kabilang sa mga lugar na maapektuhan ay ang mga bayan ng Balagtas, Bulakan, Plaridel, Marilao, Santa Maria habang sa mga lungsod ay ang Malolos, Meycauayan at San Jose Del Monte (SJDM).

Nabatid na maaaring maging limitado ang suplay at rasyon ng tubig sa mga araw na nabanggit kaya dapat umanong mag-ipon ng sapat at magtipid sa paggamit nito.

Pinayuhan ang publiko na ipaalam ang nasabing impormasyon upang makapaghanda ang lahat.

Samantala, suspendido ang pasok sa lahat ng tanggapan ng gobyerno at sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Oktubre 12-14, 2026 (Lunes – Miyerkules) sa lungsod ng SJDM dahil sa isasagawang maintenance and shutdown ng MWSS.

Sa kabila nito, magpapatuloy ang operasyon ng mga ahensyang responsable sa paghahatid ng basic at health services, disaster preparedness and response at iba pang mahahalagang serbisyo para sa pangangailangan ng publiko.

Sinasabing ang hakbang na ito ay batay sa rekomendasyon ng Local Disaster Risk Reduction Management Council.

Sinusulat ito, suspendidona na rin sa kaparehong petsa ang in-person na mga klase sa lahat ng antas ng paaralan sa lungsod Malolos habang kinansela na rin ang face-to-face classes sa bayan ng Marilao sa Oktubre 14 dahil sa pagkakaantala sa suplay ng tubig. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here