MANILA, Philippines – Nahihiya si Vice President Sara Duterte sa pagkakasangkot ng Pilipinas sa regional drug trafficking.
Ito ay matapos mapag-alaman na Pilipinas ang destinasyon ng bulto-bultong iligal na droga na ipadadala sana mula Laos sakay ng private jet.
Dahil dito ay nanawagan si Duterte sa pamahalaan na paigtingin ang anti-drug operations upang maiwasan ang muling pagtaas ng paggamit ng iligal na droga at adiksyon.







