Home METRO 8 nagpanggap na kawani ng DBM timbog!

8 nagpanggap na kawani ng DBM timbog!

MANILA, Philippines- Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang walong indibidwal na nagpanggap na konektado sa Department of Budget and Management sa isang entrapment operation na isinagawa sa Mandaluyong City.

Ayon sa NBI sa kanilang inisyal na ulat, nagpakilala umano ang isa sa mga suspek bilang Undersecretary ng DBM at may hawak ng special project upang makakuha ng pera.

Ayon sa complainant, nangako umano ang suspek na makspagbibigay sa isang project contractor ng P1.3 bilyong halaga ng pagpapatayo ng isang dam.

Tiniyak umano ng suspek sa complainant na maigagawad ang proyekto ngunit kailangan nitong magbigay muna ng pampadulas o “grease money” para sa “Blue Print” ng proyekto.

Gayunman, nagsagawa ng inisyal na beripikasyon ang contractor sa DBM at napag-alaman nitong walang opisyal ang ahensya sa ganoong pangalan.

Bukod dito, wala rin umano sa kanilang tala ang proyektong binabanggit ng suspek.

Bunsod nito, agad na nakipagtulungan ang DBM sa NBI upang magsagawa sa isang entrapment operation kung saan nadakip ang mga suspek sa isang restaurant sa Mandaluyong City, matapos nitong tanggapin ang marked money na nagkakahalaga ng P500,000 mula sa NBI. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleAlternative learning modes pinairal sa ilan pang lugar sa labis na init
Next articleSunog sumiklab sa boundary ng P’que, Las Pinas; 200 pamilya apektado