Home TOP STORIES 8 patay, 32 sugatan sa banggaan ng tren, bus sa Thailand

8 patay, 32 sugatan sa banggaan ng tren, bus sa Thailand

66
0

BANGKOK, Thailand – Di bababa sa walong katao ang namatay at 32 naman ang sugatan matapos banggain ng freight train ang isang bus sa railway crossing sa Bangkok, Thailand noong Sabado, ayon sa mga rescue officials at deputy transport minister.

Ayon sa ulat, nagliyab ang bus matapos ang banggaan at kumalat pa ang apoy sa ilang sasakyan sa paligid malapit sa Airport Rail Link’s Makkasan station.

Ayon kay Deputy Transport Minister Siripong Angkasakulkiat, “Eight people were killed and 32 injured, with the wounded being treated at various hospitals. All eight dead were on the bus.”

Batay sa paunang imbestigasyon, natigil umano ang bus sa riles dahil sa red light kaya hindi na ito nakatawid, dahilan upang hindi rin bumaba ang crossing barriers.

Hindi na nakapreno ang tren na may kargang container at bumangga ito sa bus, na tumama rin sa ilang kotse at motorsiklo sa paligid.

Makikita sa mga video sa social media ang malakas na banggaan at sunog matapos ang insidente.

Agad rumesponde ang mga bombero at rescue teams upang iligtas ang mga sugatan at apulahin ang apoy.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng aksidente, habang binigyang-diin na kilala ang Thailand sa mataas na bilang ng road accidents dahil sa mahinang pagpapatupad ng safety standards. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here