Home NATIONWIDE 8 Tsino kinasuhan ng illegal detention matapos ang POGO raid

8 Tsino kinasuhan ng illegal detention matapos ang POGO raid

MANILA, Philippines – Nagsampa ng illegal detention complaint ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) nitong Miyerkules laban sa walong Chinese national dahil sa pagsalakay sa isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) firm sa Bamban, Tarlac.

Nagsampa ng complaint affidavit si PNP-CIDG chief Police Brigadier General Nicolas Torre III laban sa mga Chinese sa Department of Justice dahil sa pagkulong sa dalawang Chinese national.

Ayon kay Torre, pinangalanan ang mga respondent sa mga nakaraang kaso.

Samantala, sinabi niya na labag sa kanilang kalooban ay ikinulong ang dalawang biktimang Chinese.

“Ginawa silang magtrabaho laban sa kanilang kalooban. Gusto na nila umuwi, gusto na nila umayaw pero hindi sila pinapayagang lumabas,” ani Torre sa isang ambush interview.

Sinabi ni Torre na parehong nasa kustodiya ng pulisya ang mga biktima at ang mga respondent.

Sinalakay ng mga awtoridad ang Bamban POGO hub noong Marso at nasagip ang mahigit 800 Filipino at foreign nationals mula sa compound. RNT