Home ENTERTAINMENT Anne, namudmod ng alahas sa Bini!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Anne, namudmod ng alahas sa Bini!October 30, 2024 19:121880 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Inihahalintulad si Anne Curtis sa isang mayamang tiyahin na galing sa abroad.Mistula kasing balikbayan ito na may bitbit na pasalubong na ipinamudmod niya.Early Pamasko nga ang ipinamudmod ng It’s Showtime host sa all-female na P-pop group naBini.Huwag tawaran, mga alahas lang naman ‘yon na Tiffany & Co.Bale sign of appreciation ‘yon sa pagpapaunlak ng Bini na maging bahagi ng Team AT nang mag-perform sa Magpasikat.Ang Team AJT ay binubuo nina Anne, Teddy Corpuz at Jugs Jugueta.It finished third place sa taunang contest among Showtime hosts kung saan nagkampeon ang grupo nina Ogie Alcasid, Kim Chiu, MC at Lassy.Pumangalawa naman ang pangkat nina Vhong Navarro, Jhong Hilario, lon Perez at Amy Perez.Sey nga ng mga netizens sa “paandar” ni Anne, marunong lang talagang mag-share ng blessings ang TV host-actress.Hindi lang kay Anne nakatikim ng generosity ang Bini.Ipinag-shopping din sila ni Ogie ng makeup dahil ito pala ang bet ng grupo.May collab sina Ogie at Bini pero dahil tight ang sked ng all-female group ay willing maghintay next year ang singer-songwriter.Bale in-advance lang ni Ogie ang kanyang pasasalamat sa pamamagitan ng pagbibigay ng shopping budget para sa grupo.So, sa mga gustong maka-collab ang Bini, alam na! Ronnie Carrasco III