Home NATIONWIDE 80% ng EEZ mawawala sa Pinas ‘pag kinubkob ng Tsina ang Ayungin

80% ng EEZ mawawala sa Pinas ‘pag kinubkob ng Tsina ang Ayungin

90
0

MANILA, Philippines – Dapat gawin ng Pilipinas ang lahat ng makakaya nito upang maharang ang China sa pag-okupa nito sa Ayungin Shoal na malapit sa Puerto Princesa City, Palawan.

Sinabi ni Retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na pinalalakas na ng China ang air at naval force nito sa South China Sea upang makapagtayo ng national boundary at maangkin ang sinasabi nilq na lahat ng sakop ng “10-dash line”.

Dahil dito, mawawala sa Pilipinas ang 80 percent ng ating EEZ at lahat ng mga isla ng Pilipinas sa Spratly’s.

Ang Mischief Reef anya ay animo’y isang punyal na nakatutok sa puso ng Pilipinas. Mahalaga aniya na magkaroon ng pangharang tayo sa pamamagitan ng Ayungin Shoal.

Binatikos rin ni Carpio si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pahayag nito sa pagkakaroon umano ng “status quo” sa West Philippine Sea na bahagi ng verbal agreement nito kay Chinese President Xi Jinping.

IpInaliwanag rin ni Carpio na sadyang itinengga ng Philippines ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal noong 1999 bago pa ang ASEAN Declaration of Code of Conduct noong 2002 na pirmado ng mga bansa kabilang ang China.

Nakasaad sa declaration na iwasan na iokupa ang lugar na hiNdi pa okupado ngunit dahil nasa Ayungun na ang BRP Sierra Madre noon pang 1999, maaring magsagawa ng pagkukumpuni sa barko upang tuloy tuloy natin maokupa ang Ayungun.

Babala ni Carpio, hindi tama na bumigay ang gobyerno sa pananakot ng China.

Umaasal anya si Duterte na isang Chinese agent. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here