Home ENTERTAINMENT Beauty, pinutukan ng bulkan sa Guatemala!

Beauty, pinutukan ng bulkan sa Guatemala!

Manila, Philippines – May natuklasan ang press tungkol kay Beauty Gonzales.

May kinalaman ‘yon on what she’s scared about.

The irony of it all, mas kampante pa si Beauty when faced with natural disasters tulad ng pagputok ng nangangalit na bulkan.

Ikinuwento niya ang recent trip nilang mag-asawa’t anak sa Guatemala.

Sumama raw ang aktres sa isang hiking group.

Pero nagpaiwan ang asawang si Norman Crisologo at anak na si Olivia.

Nasa CR daw siya ng time na pumutok ang bulkan at nasaksihan niya ‘yon.

Yet Beauty claimed she wasn’t fraught with fear.

In contrast, mas natakot daw siya sa aftermath ng eksenang nag-aagawan sila ni Bong Revilla ng baril.

Sa taping daw ‘yon ng kanilang serye sa GMA.

Kamalas-malasan, natamaan ang mata ni Bong.

Dumugo raw ito nang kaunti, dahilan para isugod siya sa ospital.

Feeling guilty raw si Beauty as it might lead to blindness.

Nag-panic daw siya sa set at hindi alam kung ano’ng gagawin to save her face.

Nahimasmasan na lang daw si Beauty when Bong returned to the set, assuring everyone na ang mga ganoong aksidente raw ay hindi maliwasan.

Ikinabahala ni Beauty ang insidente.

Hindi ‘yun ang unang beses that Bong figured in an accident in the series.

Hanggang ngayon daw ay nagte-therapy pa siya dala ng kanyang pagkapilay. Ronnie Carrasco III