Home NATIONWIDE 80% ng POGO hubs sa Pinas tigil-operasyon na

80% ng POGO hubs sa Pinas tigil-operasyon na

MANILA, Philippines – Binabantayan nagyon ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang mga “small-scale” Philippine offshore gaming operations o POGO sa Northern Luzon, Visayas at Mindanao.

Ayon kay PAOCC Executive Director Gilbert Cruz, tumigil na ang hindi bababa sa 80 porsyiyento ng 400 POGO hubs ang tumigil na sa kanilang operasyon sa bansa, habang ang mga lumalabag sa kabuuang ban order ay gumamit ng istilong “guerilla”.

Ilan sa mga nag-ooperate ng POGO hub sa Porac, Pampanga ay bakataks at nagpapatuloy ang kanilang illegal na aktibidad karamihan sa Visayas ngunit nasa 27,000 ng 40,000 POGO workers sa bansa na ang naidepoet ng Bureau of Immigration.

Ayon kay Cruz, ang small-scale POGOs ay karaniwang binubuo ng 20 Hanggang 50 indibidwal na nagrerenta ng dalawang kuwarto para sa pagsasagawa ng scamming activities.

Ayon pa kay Cruz, ang mga small-scale POGO ay nagtatrabaho sa maliliit na lugar tulad ng resorts, apartments, subdivision o gated communities.

Sinabi ni Cruz na ang biglaang pagdami ng foreign nationals sa lugar tulad ng private resorts gayundin din ang pagtaas ng food deliveries ay posibleng indikasyon na mayroong POGO operations.

Nauna nang sinabi ni Cruz na nagsampa ng mga kaso laban sa mga local executives dahil sa kanilang kapabayaan at kabiguan na tugunan ang malawakang aktibidad ng POGO sa loob ng kanilang mga nasasakupan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)