Home METRO 80 sugatan, cashless system pinalagan: Riot sumiklab sa BJMP jail sa Rizal

80 sugatan, cashless system pinalagan: Riot sumiklab sa BJMP jail sa Rizal

SAN MATEO, Rizal – 60 persons deprived of liberty (PDL) at 20 miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology ang nagtamo ng minor injuries sa nangyaring riot sa loob ng isang detention center sa San Mateo, Rizal noong Biyernes ng hapon.

Batay sa inilabas na impormasyon noong Linggo ni BJMP spokesperson Jail Chief Inspector Jayrex Bustinera, pitong PDL ang nagsimula ng noise barrage sa loob ng kulungan.

Ito ay humantong sa insidente nang pilitin sila ng mga awtoridad na huminto.

Ang BJMP, Philippine National Police at ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng San Mateo ay nagtulungan upang i-diffuse ang sitwasyon.

Ayon kay Bustinera, lahat ng mga nasugatan ay binigyan ng agarang atensyong medikal at ngayon ay nagpapagaling.

Ang insidente ay naiulat na pinasimulan ng ilang PDL na tutol sa cashless system sa pasilidad.

Sinabi ng BJMP na iimbestigahan nila ang aktwal na kondisyon ng kulungan at mga tauhan nito. RNT