Home NATIONWIDE 801 pasahero stranded kay ‘Enteng’

801 pasahero stranded kay ‘Enteng’

Mahigit 800 katao ang naitalang stranded sa iba’t-ibang pantalan sa bansa, dahil kay bagyong Enteng at sa epekto ng habagat.

Sa inilabas na Maritime Safety Advisory ng Philippine Coast Guard (PCG) nasa 801 ang stranded na mga pasahero, truck drivers at cargo helpers.

Stranded rin ang 5 sasakyang pandagat, 57 rolling cargoes, at 5 motorbanca ang habang 23 sasakyang pandagat at 34 motorbanca ang Nagtatago o Sumisilong sa Western Visayas, Bicol, Southern Tagalog, at Northwestern Luzon.

Sakaling kailanganin upang umagapay sa mga evacuation at rescue operations ng lahat ng local government units (LGUs) na tatamaan ng “bagyo Enteng”, sinabi ng PCG na ang iba pang deployable response groups (DRG) ay naka-antabay at mga rescue assets ng PCG sa mga sakop nito na lugar na apektado ng bagyo.

Lahat ng PCG District Commanders ay inatasan din ni CG Admiral Ronnie Gil Gavan na tiyaking walang magbubuwis ng buhay sa panahon ng kala­midad, makipag-ugnayan sa lahat ng ahensiya at bilisan ang pagresponde sa mga insidente sa karagatan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)