Home NATIONWIDE Sept. 3 idineklara ni PBBM bilang nat’l day of mourning para kay...

Sept. 3 idineklara ni PBBM bilang nat’l day of mourning para kay Federico Caballero

IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang araw ng Martes, Setyembre 3 bilang Day of National Mourning sa pagpanaw ng Manlilikha ng Bayan awardee na si Federico Caballero.

Si Caballero ay isang “epic chanter at culture bearer’ ng Sulod-Bukidnon tribe sa Central Panay.

Sa pamamagitan ng Proclamation 678 na nilagdaan ni Pangulong Marcos, araw ng Lunes, ang national flag ay dapat na nagwawagayway ng half-mast mula pagsikat ng araw hanggang paglubog ng araw, sa lahat ng mga gusali ng gobyerno at instalasyon sa buong Pilipinas at sa ibang bansa, ngayong petsa.

Nakasaad sa Republic Act 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines an “the Philippine flag shall be flown at half-mast as a sign of mourning on all buildings and places where it is displayed, on the day of interment of a recipient of national order and decoration.”

idineklara si Caballero bilang isang national living treasure nang makatanggap siya ng Gawad sa Manlilikha ng Bayan award noong 2000 para sa kanyang pagiging dalubhasa sa Sugidanon, itinuturing na ‘epics of Central Panay.’

Pumanaw si Caballero noong Agosto 17 sa edad na 88.

Nagpalabas naman si Pangulong Marcos ng presidential Proclamation bilang pagkilala sa pangako ni Caballero na pangangalagaan at ipalalaganap ang tradisyon ng Sugidanon sa kanyang komunidad.

“The death of Manlilikha ng Bayan Federico Caballero is a great loss to our nation, and it is appropriate to honor his outstanding commitment to the preservation of the Panay Bukidnon cultural and artistic heritage,” ang sinabi ng Pangulo sa naturang Proclamation 678.

Bilang isang culture bearer, masigasig si Caballero sa pagdo- dokumento ng 10 Panay Bukidnon epics, na nilikha sa wika na, bagama’t hindi na ginagamit na salita, may kaugnayan sa Kinaray-a.

Nakatrabaho ni Caballero ang mga mananaliksik para pagsama-samahin ang mga piraso ng epics na Humadapnon at Labaw Donggon.

Si Caballero ay isa ring ‘arbiter of conflicts’ na tumulong na malutas ang hidwaan sa local level para mapigilan ang mga tao na maging banyaga sa isa’t isa at ipreserba ang ‘social fabric’ ng kanilang komunidad.