ILOCOS NORTE – Patay ang isang 54-anyos na lalaki matapos pagbabarilin sa Brgy. Tabtabagan, Banna ng lalawigang ito nitong Linggo, Septembe 1.
Ayon sa pulisya, ang biktima ay residente ng Brgy. Poblacion 1, Adams, Ilocos Norte na naninirahan ngayon sa Brgy. Sto. Nino, Nueva Era, Ilocos Norte.
Sa inisyal na imbestigasyon, bumibiyahe papuntang silangang direksyon sa barangay road sa nabanggit na lugar ang biktima nang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek o mga suspek.
Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na agad na ikinamatay nito.
Narekober mula sa crime scene ang 1 empty shell para sa 5.56MM; 11 empty shells para sa cal. 45; 9 empty shells para sa 9MM; 1 black TMX 125 motorcyle; at isang Colt cal. 45 pistol na may maka-insert na magazine na may kargang 7 live rounds of ammunition.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad para alamin kung ano ang motibo sa krimen at tuklasin kung sino ang mga salarin. Rolando S. Gamoso