Home NATIONWIDE PCG umaasang titindig ang Southeast Asian countries vs pambubully ng Tsina

PCG umaasang titindig ang Southeast Asian countries vs pambubully ng Tsina

Umaasa ang Philippine Coast Guard (PCG) na ang mga bansa sa Southeast Asia Region ay tututol sa agresibong hakbang ng gobyerno ng China sa South China Sea matapos ang intensyunal at paulit-ulit ba pagbangga ng mga barko ng Chinese Coast Guard (CCG) sa BRP Teresa Magbanua ng Pilipinas.

Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela, nagkaroon ng paniwala na sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ,ang Pilipinas lang ang bansang binu-bully ng China.

Gayunpaman, ang mga bansa tulad ng Malaysia at Vietnam ay parehong na-bully sa pinag-aawayan na katubigan.

Sa kabila nito, ikinalungkot ni Tarriela na tila tahimik ang mga karating bansa ng Pilipinas sa mga isyu sa South China Sea, partikular sa WPS.

Noong Sabado, sinabi ng gobyerno ng Estados Unidos na naninindigan ito sa Pilipinas dahil kinondena nito ang “mapanganuv nat escalatory actions ” ng China sa paligid ng Sabina Shoal.

Ayon naman sa China, sinabi na ang barko ng Pilipinas na illegal na nanatili ang barko ng PCG sa shoal , nag-angat ng angkla at sadyang binangga ang Chinese vessel.

Nanindigan ang PCG na ang Escoda Shoal ay nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at sa 2016 arbitral award. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)