Home NATIONWIDE 83% ng mga Pinoy pabor sa nationwide POGO ban – OCTA

83% ng mga Pinoy pabor sa nationwide POGO ban – OCTA

138
0

MAYORYA ng adult Filipino ang pabor sa pagbabawal o pagba-ban ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) sa bansa.

Makikita sa kamakailan lamang na OCTA Research survey o Tugon ng Masa survey na sa 1,200 respondents, 83% ang sumagot ng “yes,” habang 12% naman ang sumagot “no,” at 5% ang nagsabing “ they don’t know enough to give an opinion.”

“Among major areas, Balance Luzon (90%) has the highest agreement rating on banning POGO operations in the country. The National Capital Region (20%) has the highest disagreement rating on banning POGO operations,” ayon sa OCTA Research.

Ang non-commissioned survey ay ginawa gamit ang face-to-face interviews mula June 26 hanggang July 1, 2024.

Natuklasan din ng survey na 85% ng mga Filipino ay susuportahan ang mga kandidato na tinutuligsa at umaayaw sa POGO operations sa bansa.

Samantala, 12% ang nagsabi na hindi nila susuportahan ang mga kandidatong pabor sa pag-ban sa POGOs.

“Among major areas, Balance Luzon has the highest voting preference for the candidate who supports banning POGO operations in the country, with 93%,” ayon sa OCTA Research.

Sinabi ng OCTA Research na ang survey ay mayroong ±3% margin of error sa 95% confidence level.

“Subnational estimates for the geographic areas covered in the survey have the following margins of error at a 95% confidence level: ±6% for Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, and Mindanao,” ayon sa ulat.

Nauna rito, tuluyan nang ipinagbawal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Sa mahigit na isang oras na State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo ay inanunsiyo niya ang pag-ban sa POGO, dahilan para umani ito ng sigawan at standing ovation sa mga bisita sa plenaryo ng Kamara.

“At ngayon po maririnig namin ang malakas na sigaw ng taumbayan laban sa mga POGO,” pahayag pa ng Pangulo.

Ayon pa kay Pangulong Marcos, nagpapanggap na legitimate entities ang operasyon ng POGO subalit nagdudulot ito ng mas higit pa rito na mula sa gaming ay nagiging financial scamming, money laundering, prostitution, human trafficking, kidnapping, brutal torture at maging murder.

Kailangan na aniya na matigil ang pang-aabuso at hindi pagrespeto sa ating batas at kailangan na rin matigil ang panggugulo ng POGO sa ating lipunan at paglapastangan sa ating bansa. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here