Home METRO 84 na lang nawawala sa Coron ship fire — PCG

84 na lang nawawala sa Coron ship fire — PCG

1
0

MANILA, Philippines – Bumaba sa 84 ang bilang ng mga nawawala matapos ang sunog sa MV June Aster sa Coron, Palawan, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) nitong Biyernes.

Sinabi ni PCG spokesperson Commodore Noemie Cayabyab na dalawang indibidwal ang nag-ulat na kasama ang kanilang mga pangalan sa passenger manifest ngunit hindi sila aktuwal na sumakay sa barko.

Dahil dito, ibinaba mula 86 tungo sa 84 ang bilang ng mga hinahanap.

Batay sa pinakahuling tala ng search and rescue team, 43 katao na ang nasagip habang lima ang nasawi sa insidente.

Ayon kay Cayabyab, makapal na usok pa rin ang lumalabas mula sa barko kaya hindi pa makapasok ang mga rescuer sa loob nito.

Pinalawak na rin ng PCG ang search operations sa tulong ng BRP Melchora Aquino upang hanapin ang mga nawawalang pasahero at crew members. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here