Home NATIONWIDE VP Sara, kinondena pagbasura sa perjury complaint vs Madriaga

VP Sara, kinondena pagbasura sa perjury complaint vs Madriaga

1
0

MANILA, Philippines – Kinondena ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang pagbasura ng Office of the City Prosecutor ng Taguig sa una niyang perjury complaint laban kay Ramil Madriaga, na tinawag nitong isang “political decision.”

Ayon kay Duterte legal counsel at spokesperson Salvador Paolo Panelo Jr., natanggap nila ang resolusyon na may petsang Setyembre 2, 2026, kung saan ibinasura ang reklamo dahil sa umano’y kakulangan ng prima facie evidence with reasonable certainty of conviction.

Kinuwestiyon ni Panelo ang desisyon at iginiit na hindi umano nabigyan ng sapat na bigat ang mga ebidensiyang isinumite ng kampo ng Bise Presidente.

“A prosecutor who truly weighed the evidence would not have reached this result. It can therefore only be a political decision,” ani Panelo.

Ayon sa kampo ni Duterte, mahigit 300 pahina ang unang reklamo at may kalakip na sworn testimony ng Bise Presidente, testimonya ng pitong corroborating witnesses at iba pang dokumento.

May hiwalay pang ikalawang perjury complaint laban kay Madriaga na nananatiling nakabinbin.

Nauna nang nagbigay si Madriaga ng mga alegasyon sa ilalim ng panunumpa kaugnay ng umano’y paghawak sa campaign at confidential funds, na mariing itinanggi ng kampo ni Duterte.

Sinabi ni Panelo na iaapela nila ang pagbasura sa unang reklamo at itutuloy ang iba pang legal remedies na available sa kanila. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here