Home METRO 84 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Iloilo

84 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Iloilo

MANILA, Philippines – Nasa 84 na pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog sa dalawang barangay sa Iloilo City nitong Lunes, Hunyo 17.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP)-Iloilo City, walang naitalang nasawi ngunit mayroong anim na residente ang nasaktan habang sinusubukan ng mga ito na tumakas mula sa sunog.

Iniulat ng Iloilo City Disaster Risk Reduction and Management Office na 39 na tirahan ang totally damaged habang 12 iba pa ang partially damaged sa sunog sa Barangay Tanza Bonifacio at Barangay Rizal Estanzuela.

Pansamantalang tumutuloy sa Rizal Elementary School at Rizal Estanzuela Hall ang mga apektadong residente.

Inaalam pa ng Iloilo City Social Welfare Office ang eksaktong bilang ng mga residenteng nawalan ng tirahan. RNT/JGC