Home NATIONWIDE 841 iskul sasali sa pilot run ng revised SHS curriculum

841 iskul sasali sa pilot run ng revised SHS curriculum

MANILA, Philippines- Mahigit 800 eskwelahan sa buong bansa ang nakatakdang magpartisipa sa pilot run ng binagong Senior High School (SHS) curriculum ng basic education program ngayong incoming School Year 2025-2026.

Ang paliwanag ni Department of Education (DepEd) Undersecretary Wilfredo Cabral sa isinagawang briefing ng Committee on Basic Education and Culture na ang central office ng DepEd ay paunang naglista ng 727 eskwelahan na klasipikado bilang “highly ready” na makasama para sa gagawing pagsubok ng pinalakas at pinatibay na programa para sa Grades 11 at 12.

Gayunman, sa nakuhang feedback mula sa Senate Committee on Basic Education, nagdesisyon ang central office na magdagdag ng “moderately ready” private schools at rural schools, na nagresulta sa partial list na 841 paaralan.

“Nag-increase [it increased], Mr. Chair, because we looked at the moderately ready so that we can have several more schools implementing the senior high school from the rural and the urban, so that we can address more issues as we do the pilot and the study as well,” ayon kay Cabral.

Tinuran pa rin nito na ang 841 pilot schools ay kumakatawan sa 6.60% ng 12,739 kabuuang SHS schools sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa 841 eskwelahan, 580 ang public at 261 naman ang private. Tinatayang 806 ang learning institutions na nanggaling sa urban areas, habang 35 naman ang mula sa rural areas.

Kabilang sa parametro na kinokonsidera sa pagsasapinal ng listahan ay ang ‘school size, rural versus urban location, track offerings, public versus private management, at stand-alone laban sa integrated models.’

Sa oras na magsimula na ang pilot test, mahigpit na imo-monitor ng DepEd ang implementasyon sa iba’t ibang mga antas ng pamamahala. Nakipagtulungan na rin ang ahensya sa Philippine Institute for Development Studies para planuhin at ipatupad ang isang ‘reliable evaluation study’ ukol sa nasabing usapin.

Ang pagsasanay ng mga guro na magpapartisipang paaralan ay isasagawa mula May 25 hanggang June 7.

“We will be training of course for the TechPro, for agriculture, fisheries, and arts.. We’ll also be having training for the core subjects, and we’ll also be training our school heads so that they can be ready on the implementation,” ang sinabi pa rin ni Cabral.

Ang School Year 2025-2026 ay nakatakdang magbukas sa June 16, 2025 at magtatapos sa March 31, 2026. Kris Jose