Home NATIONWIDE Grade 13 ngayong 2025 ‘fake news’ – DepEd

Grade 13 ngayong 2025 ‘fake news’ – DepEd

219
0

MANILA, Philippines- Pinabulaanan ng Department of Education (DepEd) ang viral Facebook post na nagsasabing magdadagdag ng Grade 13 sa Senior High School program sa School Year 2025–2026.

Sa abisong naka-post sa official Facebook page nito noong Linggo, nilinaw ng ahensya na hindi totoo ang kumakalat na imahe na nagsasabing magkakaroon ng karagdagang taon sa K to 12 curriculum.

“Fake news ang kumakalat na Facebook post tungkol sa umano’y dagdag na Grade 13 sa Senior High School para sa SY 2025-2026,”  anito.

“Muling pinapaalalahanan ng DepEd ang publiko na mag-ingat at maging mapanuri laban sa misinformation,” paalala ng ahensya.

“Para sa opisyal na mga anunsiyo at impormasyon tungkol sa basic education, bisitahin lamang ang official DepEd Philippines social media accounts,” dagdag nito.

Nagdulot ng kalituhan ang misleading post, ginamit ang altered DepEd layout at logos, na nagsasabing magpapatupad ng Grade 13 sa susunod na school year, sa mga estudyante at mga magulang. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here