Manila, Philippines- Si Kyline Alcantara lang daw ba ang may karapatang kumandong kay Kobe Paras?
Ito ang “bone of contention” ng mga tagasuporta ni Barbie Forteza na walang iniisip na masama sa ginawa nitong pagkandong sa kapwa Kapuso star na si Alden Richards.
Viral kasi ang larawang kuha sa SM Mall of Asia grounds sa mismong fun run organized by Alden himself.
Ang proceeds o kikitain kasi ng event na ‘yon ay ido-donate ni Alden sa Mowelfund.
In case hindi aware ang marami, regular na nagpapaabot ng tulong pinansyal ang aktor sa asosasyong kinabibilangan ng mga manggagawa sa lokal na aliwan.
Going back to Barbie sitting on Alden’s lap, binigyan ito ng malisya ng ilan.
Ikinumpara pa si Barbie kay Kyline during her happier times with Kobe.
Kung tutuusin, no point of comparison dahil to begin with ay wala namang ugnayang namamagitan kina Alden at Barbie.
O baka worried lang ang ilan what the BarDa fans have to say about the picture, kung saan kasama rin si Kristoffer Martin.
Hindi naman siguro maglalakas-loob si Barbie na basta na lang kakandong kay Alden kung bibigyan ‘yon ng kakaibang kulay.
Eh, para lang silang magkapatid! Ronnie Carrasco III