BULACAN, Philippines – Arestado ang 85 wanted persons, 9 armado at 67 durugista sa magkakahiwalay na operasyon ng mga awtoridad sa loob ng isang linggo sa lalawigang ito.
Sa ulat ng Bulacan Police Provincial Office BPPO, mula nitong September 27 hanggang October 3, nakahuli sila ng 16 most wanted persons at 69 other wanted person sa loob ng 85 isinagawang operasyon sa ibat-ibang lugar dito.
Nakahuli rin sila ng siyam na indibiduwal at siyam na baril sa siyam na operasyon kontra loose firearms.
Samantalang 67 durugista din ang naaresto habang nakakumpiska ng 155.11 g ng shabu, 4,491.49 g ng marijuana at may kabuuang halagang P1,600,526.80 sa operasyon kontra sa iligal na droga.
Sinasabing mas lalo pang paiigtingin ng BPPO ang kanilang pagtugis sa mga wanted persons at kampanya kontra loose firearms at Illegal drugs sa nasabing lalawigan. (Dick Mirasol III)