Home METRO 88 pamilyang binaha sa Palawan, sinagip ng PCG

88 pamilyang binaha sa Palawan, sinagip ng PCG

291
0

MANILA, Philippines – Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 88 pamilyang apektado ng matinding pagbaha sa Palawan bunsod ng pananalasa ng bagyong Crising.

Sa rescue operation na isinagawa ng PCG, partikular na inilikas ang mga residente at pamilya mula sa Barangay Sicsican, Puerto Princesa City, Palawan.

Ayon sa PCG, mabilis na tumaas ang tubig-baha sa lugar dahil sa pag-ulan dulot ng bagyo na pinalakas pa ng habagat.

Sinakay sa rubber boat ang mga inilikas at tiniyak na walang naiwang miyembro ng pamilya sa mga bahay na lubog sa tubig-baha.

Ang rescue operation ng PCG ay base na rin sa direktiba ng Pangulo na tiyakin ang kaligtasan ng ating mga kababayan tuwing masama ang lagay ng panahon.

(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here