Home NATIONWIDE 9.1K pamilya nananatili sa evacuation center sa epekto ng mga bagyo, Habagat

9.1K pamilya nananatili sa evacuation center sa epekto ng mga bagyo, Habagat

1
0

MANILA, Philippines – Mayroong 9,101 pamilya o 31,456 indibidwal ang kasalukuyang tumutuloy sa mga evacuation center dahil sa epekto ng masamang panahon, partikular ang Habagat at mga bagyong Luis at Maymay, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Bahagi ito ng 1.4 milyong pamilya o limang milyong indibidwal na naapektuhan sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Eastern Visayas, Western Visayas, Calabarzon, Cordillera Administrative Region, National Capital Region, at Mimaropa.

May naitala naman na 23 namatay kung saan 15 ang mula sa Benguet dahil sa landslide.

Samantala, nakapamahagi na ang pamahalaan ng P654 milyong halaga ng tulong sa mga apektado ng bagyo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here