Home HOME BANNER STORY 9.2 milyong Pinoy, pobre – sarbey

9.2 milyong Pinoy, pobre – sarbey

86
0

MANILA, Philippines – Tinatayang 9.2 milyong pamilyang Pilipino, o 35 porsyento, ang nagsabing sila ay mahirap sa unang kwarter ng 2026, batay sa Tugon ng Masa survey ng OCTA Research.

Mas mababa ito kumpara sa 37 porsyento o 9.8 milyong pamilya sa naunang survey noong Disyembre. Gayunman, ayon sa OCTA, pasok sa 2 porsyentong margin of error ang pagbabago kaya’t hindi ito maituturing na makabuluhang pagbaba.

“While this suggests that roughly 600,000 fewer families considered themselves poor during the quarter, the difference is not statistically significant and remains within the survey’s margin of error, indicating that overall poverty conditions remained broadly stable,” ayon sa OCTA.

Isinagawa ang survey mula Marso 19 hanggang 25 sa 1,200 respondente at sumasalamin sa kalagayan ng mga kabahayan bago pa ang epekto ng pagtaas ng inflation na kaugnay ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

“As such, the March 2026 results may be best understood as a pre-shock baseline, before higher transport and food costs began exerting broader pressure on household welfare and food access,” dagdag ng OCTA.

Bumaba ang self-rated poverty sa Metro Manila ng 12 puntos at sa Mindanao ng 11 puntos, ngunit tumaas sa Luzon ng 3 puntos at sa Visayas ng 4 puntos. Kabilang sa mga rehiyong nakapagtala ng malaking pagtaas ang Cordillera Administrative Region, Negros Island Region, Cagayan Valley, Central Visayas, Bicol Region, at CARAGA, habang bumaba naman sa Northern Mindanao, Eastern Visayas, MIMAROPA, at Davao Region.

Ayon pa sa survey, 17 porsyento o humigit-kumulang 4.5 milyong pamilya ang nakaranas ng involuntary hunger kahit isang beses sa unang tatlong buwan ng 2026, mas mataas ng 300,000 pamilya. Pinakamataas ang insidente ng gutom sa Visayas na nasa 26 porsyento, kasunod ang Balance Luzon na 16 porsyento at National Capital Region na 14 porsyento. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here