Home METRO 9-anyos patay sa bugbog, sakal, gahasa ng kapitbahay sa Pampanga

9-anyos patay sa bugbog, sakal, gahasa ng kapitbahay sa Pampanga

PAMPANGA – Umalingasaw ang bangkay ng 9-anyos na batang babae sa isang garahe sa Guagua kung saan pinaghihinalaan itong ginahasa, sinakal at binugbog.

Suspek naman sa pagpatay ang kanila mismong kapitbahay.

Sa imbestigasyon, sinabing nangyari ang karumal-dumal na krimen sa bahay ng 50-anyos na suspek sa Barangay Sto. Cristo.

Base ito sa kuha ng CCTV camera noong gabi ng Linggo kung saan huling nakita ang biktima na naglalakad papunta sa bahay ng kaniyang mga magulang para humingi ng baon.

Nakatira kasi ang bata sa bahay ng kaniyang tiyahin.

“So pagdaan po ng bata, nakita sa CCTV [na] may tumawag doon sa portion kung saan nangyari yung krimen. Tinawag yung bata, pumasok [yung bata] then hindi na siya lumabas… ‘yon yung last na kita sa bata nung time na ‘yon. Doon mismo sa garahe ng suspek natin,” ani Police Lieutenant Colonel Arnel Sagun, hepe ng Guagua Police Station.

Sinabi pa ni Sagun na batay sa impormasyon mula sa barangay, may mga dati na rin umanong insidente na nasangkot ang suspek sa pambabatos sa mga babae, at gumagamit din umano ng ilegal na droga.

Naaresto ang suspek na bagaman inamin na gumagamit siya ng ilegal na droga, itinanggi naman niya ang akusasyon na siya ang pumatay sa bata.

Sa kabila nila, sasampahan ng patong-patong na reklamo ang suspek. RNT

Previous article91-anyos patay sa suwag ng kotse
Next articleP1.3M droga nasabat sa tulak sa Urdaneta