Home METRO 91-anyos patay sa suwag ng kotse

91-anyos patay sa suwag ng kotse

ATIMONAN, Quezon – Patay ang isang 91-anyos na biyuda matapos mabangga ng kotse ang sinasakyang tricycle sa Maharlika Highway sa Barangay Angeles, nitong bayang ito, Huwebes ng umaga, Marso 7.

Sinabi ng pulisya na sakay ang biktimang si Filomena sa isang tricycle na minamaneho ni Fernando Reyes, 63, nang bumangga ang Honda car na minamaneho ng negosyanteng si Stephen, 42, sa tricycle na nag-U-turn.

Tumilapom si Filomena at nakahandusay sa kalsada. Namatay siya sa lugar dahil sa malubhang pinsala.

Nahaharap si Stephen sa kasong homicide at damage to property. RNT

Previous article2 big time tulak swak sa P1.7M bato
Next article9-anyos patay sa bugbog, sakal, gahasa ng kapitbahay sa Pampanga