Home METRO 2 big time tulak swak sa P1.7M bato

2 big time tulak swak sa P1.7M bato

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Nasabat ng mga pulis ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.7 milyon mula sa dalawang tulak ng droga sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Ilayang Iyam, Lucena City, Quezon, nitong Miyerkules, Marso 6.

Sinabi ni Police Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, Police Regional Office 4-A director, kinilala ang mga suspek na sina Macho, 43, at Jugs, 29.

Sila ay nakalista bilang mga high-value na indibidwal sa Lucena City police drug watchlist at residente ng Barangay Ibabang Dupay, Lucena City.

Sinabi ni Lucas na nahuli ang mga suspek matapos magbenta ng isang sachet ng shabu sa isang police poseur-buyer.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang buhol-buhol na transparent plastic bag ng shabu na may timbang na 85.36 gramo na nagkakahalaga ng P1.7 milyon at ang buy-bust money.

Nakakulong ang mga suspek sa Lucena City Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT

Previous article2 among senior pinatay na, pinagnakawan pa ni yaya
Next article91-anyos patay sa suwag ng kotse