Home METRO 2 among senior pinatay na, pinagnakawan pa ni yaya

2 among senior pinatay na, pinagnakawan pa ni yaya

MANILA, Philippines – Inaresto ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Martes, Marso 5, ang kasambahay na umano’y responsable sa pagkamatay ng dalawang senior citizen sa Quezon City.

Kinilala ni Chief Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) Police Maj Don Don Llapitan ang suspek na si Marilyn Mante Pandita, 48, ng Cubao, Quezon City.

Batay sa ulat ng pulisya, isang saksi ang nakakita ng usok na nagmumula sa bahay ng mga biktima kaya nag-ulat ang saksi sa insidente sa barangay.

Humingi ng tulong ang mga opisyal ng barangay sa Quezon City Fire Department (BFP) na tumulong sa pag-apula ng apoy dakong alas-9:40 ng gabi.

Natagpuan ng mga tauhan ng BFP ang bangkay ng mga biktima sa loob ng kanilang kwarto.

Dinala ang suspek sa barangay para sa dokumentasyon ngunit nakatakas.

Inaresto siya ng mga awtoridad sa kahabaan ng 15th Avenue corner P. Tuazon Avenue, Brgy. Socorro, Quezon City. Narekober sa kanya ang isang ice pick, plane ticket, cash money, at iba pang personal na gamit.

Dumating sa pinangyarihan ng krimen ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) team sa pangunguna ni Kapitan John Agtarap at nakolekta ang isang (1) pipe wrench, isang (1) dumbbell, at isang (1) kitchen knife na pinunasan para sa pagkuha ng mga sample ng DNA.

Sasampahan ng two counts of robbery with homicide at arson ang suspek sa Quezon City Prosecutor’s Office. RNT

Previous articleKasambahay binurdahan ng higit 50 saksak sa Leyte
Next article2 big time tulak swak sa P1.7M bato