Home METRO Kasambahay binurdahan ng higit 50 saksak sa Leyte

Kasambahay binurdahan ng higit 50 saksak sa Leyte

TACLOBAN CITY – Natagpuang patay ang isang 31-anyos na kasambahay na may mahigit 50 saksak sa katawan sa Barangay Santa Cruz, Palo, Leyte, nitong Miyerkules, Marso 6.

Kinilala ang biktima na si Dylen, 31, ng Barangay San Antonio, Palo.

Nakatanggap ng tawag ang pulisya mula sa kapitbahay ng biktima na nagpaalam na may nadiskubreng bangkay sa isang inuupahang apartment sa lugar.

Ang biktima ay natagpuan ng kanyang live-in partner na nakahandusay sa loob nang sunduin siya.

Huling nakitang buhay si Dylen bandang 1 p.m. at natuklasan ang kanyang bangkay bandang alas-6:30 ng gabi.

Nagsasagawa ng follow-up investigation ang pulisya. RNT

Previous articleFB page na nag-aalok ng pekeng promo fare ibinabala ng PAL
Next article2 among senior pinatay na, pinagnakawan pa ni yaya