MANILA, Philippines – Tinukoy ng Commission on Elections ang siyam na contractor ng gobyerno na umano’y nag-donate sa kampanya ng ilang kandidato sa Eleksyon 2025, sinabi ni Comelec chairman George Garcia nitong Huwebes.
Ang pahayag ni Garcia sa harap ng ginawang pagsusuri ng poll body ang mga statement of contributions and expenditures (SOCEs) ng mga kandidatong tumakbo sa midterm elections.
Samantala, sinabi ni Garcia na ang isyu ng P30 milyong donasyon ng contractor na si Lawrence Lubiano sa kampanya ni Sen.Francis Escudero noong 2022 election ay inaasahang nareresolba sa loob ng dalawang linggo.
Sinabi ni Garcia na ang Political Finance and Affairs Department (PFAD) ng poll body ay maaaring maglabas ng kanilang mga natuklasan sa kaso bago matapos ang buwan matapos maghain si Escudero ng kanyang tugon sa show-cause order (SCO) ng Comelec.
Sa SCO, pinagpapaliwanag ng poll body si Escudero sa campaign donation na natanggap niya mula kay Lubiano, ang presidente ng Centerways Construction and Development Inc.
Si Escudero, na kinatawan ng kanyang legal counsel, ay nagsumite ng tugon noong Martes, Oktubre 14.
Sa kanyang affidavit, sinabi ni Garcia na ipinaliwanag ni Escudero na ginawa ni Lubiano ang campaign donation sa pribadong kapasidad at galing sa personal na pondo ni Lubiano. Jocelyn Tabangcura-Domenden