Home NATIONWIDE 9 nasagip sa bahagyang lumubog na bangka sa Mindoro

9 nasagip sa bahagyang lumubog na bangka sa Mindoro

56
0

MANILA, Philippines – Siyam na pasahero ang nasagip nitong Huwebes, Abril 30 matapos bahagyang lumubog ang sinasakyang motorbanca ng mga ito sa dagat na sakop ng Mamburao, Occidental Mindoro.

Rumesponde sa insidente ang Philippine Coast Guard Sub-Station (CGSS) Mamburao, sa pakikipagtulungan sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), sangkot ang motor banca na Treskillion.

Ayon sa Coast Guard, nagtulak ang distress call para agad silang makipag-ugnayan sa local disaster responders, at magpadala ng sea ambulance para sa agarang pagtugon.

Naabutan ng mga awtoridad ang bangka na lubog na ang kalahati nito.

Ligtas naman na nasagip ang lahat ng siyam na pasahero nito.

Isinagawa naman ang medical assessment sa mga pasahero at lahat ay nasa maayos na kondisyon.

Hindi pa sinasabi ng PCG ang sanhi ng insidente ngunit nagpaalala sa mga operator ng bangka na siguruhin ang seaworthiness at sumunod sa safety protocols bago maglayag. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here