Home NATIONWIDE 9 OFW mula Iran nakauwi na sa Pinas

9 OFW mula Iran nakauwi na sa Pinas

205
0
via Department of Foreign Affairs

MANILA, Philippines – Matagumpay na naiuwi sa Pilipinas ang siyam na overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Iran sa gitna ng patuloy na tensyon sa Middle East, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Dumating sa bansa ang unang batch ng mga OFW noong Martes at Miyerkules. Isinagawa ang repatriation sa tulong ng mga embahada ng Pilipinas sa Tehran at Ankara sa Türkiye sa pamamagitan ng land crossing at mga flight pabalik ng Pilipinas.

Sinabi ni Ferdinand Marcos Jr. na naghahanda ang pamahalaan ng mga chartered flights upang maiuwi ang mas marami pang Pilipino habang patuloy ang labanan na kinasasangkutan ng puwersa ng US-Israel at Iraq.

Ayon sa Pangulo, may plano ring dalawang flight para sa mga OFW sa ibang bansa sa Middle East.

“And there are two flights that we are being–, that we are planning. One is out of Riyadh para sa mga nasa Saudi, sa Kuwait, and Bahrain… ‘Yung isa naman out of Fujairah in the UAE to transport ‘yung mga Dubai OFWs,” ani Marcos.

Noong nakaraang linggo, mahigit 1,000 OFWs sa Middle East ang nagpahayag ng kagustuhang makauwi sa Pilipinas. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here