MANILA, Philippines – Nag-iwan ng siyam katao na nasawi ang Super Typhoon Pepito sa pananalasa nito sa bansa, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).
Nilinaw ni Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno na ang naturang bilang ay iba sa mga binilang nila matapos ang Tropical Storm Kristine.
“Those deaths were only due to Pepito. Many people died during Severe Tropical Storm Kristine, 162 based on our last report,” sinabi ni Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno nitong Miyerkules, Nobyembre 20.
Pinaka-napuruhan ng Super Typhoon Pepito ang Catanduanes kung saan 4,000 tirahan ang nasira sa probinsya.
“Super Typhoon Pepito was at its height when they were hit, that was signal no. 5, meaning, the gustiness was between 305-350 kilometers per hour,” aniya.
Sinabi ng OCD na magpapadala ito ng 3,000 roofing sheets at repair kits para sa mga biktima.
Samantala, lampas P7 bilyo na ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa sunod-sunod na anim na bagyo.
“In terms of infrastructure, P10.4 billion in damages have been reported from the recent cyclones, with an extra P1.5 billion in damages attributed to Pepito,” dagdag ni Nepomuceno.
“Right now, we have 44 unpassable bridges in Cagayan, Central Luzon, and the Bicol region,” pagpapatuloy niya.
Sa kabila ng problema sa badyet dahil sa sunod-sunod na mga bagyo, siniguro naman na matutugunan ng pamahalaan ang mga pangangailangan. RNT/JGC