SINABI ng Department of Trade and Industry (DTI) na 93 porsiyento ng vape brands sa merkado ay nananatiling hindi rehistrado.
Ito’y habang binibigyang diin ng mga mambabatas at ahensiya ng gobyerno ang gabundok na alalahanin ukol sa illicit trade at pagtataguyod para sa unified excise tax regime sa vapor products.
Sa ginawang pagdinig ng House Committee on Ways and Means nito lamang Agosto 25, araw ng Martes, ukol sa tobacco at vapor excise taxes, sinabi ni DTI Assistant Secretary Marcus Valdez II na makikita sa ginawang pagmamanman ng ahensiya na sa 313 vape brands na nasa sirkulasyon, may 292 ang hindi nakarehistro.
“From our survey, there are 313 vape brands in the market; about 292 are not registered. So, it’s at 93%,” ayon kay Valdez.
Ang paliwanag ni Valdez na sa 18 rehistradong vape brands na nauna niyang binanggit, dalawa, ang Shift at Chillax—ay “are now subject to cancellation”, muling inulit ang mga natuklasan ng Bureau of Customs (BOC) sa naging report nito sa komite.
Bilang tugon sa tanong hinggil sa malaking bilang ng unregistered brands, ang paliwanag ni Valdez, habang ang DTI ay nagbigay ng pagkakataon para sa pagtalima, may ilang kompanya naman ang patuloy na nagbebenta nang walang rehistrasyon.
Binigyang diin ni Valdez na nagsampa na ng kaso ang ahensiya at nagpataw na ng parusa sa mga lumabag.
At nang pag-usapan naman ng komite ang pagbebenta ng vapor products sa mga menor de edad, binigyang diin ni Valdez ang pangangailangan na ihiwalay ang law-abiding retailers mula sa illicit o noncompliant establishments.
“I don’t think legitimate traders would be selling to minors. During our monitoring we would see retailers in the malls where they have explicit signs saying that minors are not allowed to enter. I know for a fact that in the big malls they are refusing to cater to minors. But for the establishments outside malls, here you find them [illicit sellers] in the strip malls or in the streets,” anito.
“It’s been our experience that when we monitor during daytime these establishments are closed, they open at night when most of the government workers are already at home,” dagdag na wika ni Valdez.
Sinabi naman ni Ways and Means Chair Rep. Miro Quimbo na ang malawak na agwat sa tax rates ay naging isang pangunahing dahilan kung bakit kakaunting nicotine salt brands ang nakarehistro sa DTI.
“They will not register because the tax is too high. It’s not because of the preferred chemical composition,” ang winika ni Quimbo.
Nagpahayag naman ng pagsuporta ang DTI para sa panukalang ‘unification’ ng excise tax rates, kapuwa saklaw ang nicotine salt at ang tradisyonal na freebase vapor products.
Gayundin, suportado ng Department of Finance (DOF), Bureau of Internal Revenue (BIR), at BOC ang pagpapalit ng two-tier excise tax system na may unified rate na magpapalakas sa pagpapatupad, bagaman ang specific rate ay nananatiling ‘subject to discussion.’
Tinuran ni Nazal na ang mga miyembro ng komite ay humantong na sa consensus na ang kasalukuyang tax structure ay responsable para sa pagtagas ng government revenues.
“Based on earlier manifestations by our committee members, we’ve established that the current two-tier system enabled or allowed a tax leakage. Some are in agreement that a single tier will plug that loophole,” ani Nazal.
Binigyang diin naman ni Rep. Rufus Rodriguez na sa kabila ng hiwalay na tax structure, makikita sa rekord ng BIR na “no payments” sa ilalim ng nicotine salt.
Kaya nga hinikayat nito ang adopsyon ng unified P15-per-milliliter rate upang masiguro ang koleksyon habang binabawasan ang insentibo para sa mga consumers na bumaling sa illicit products.
Tinuran naman ni Rep. Bong Suntay na sa mga tinatawag na mature markets, ang sigarilyo at vapor products ay binubuwisan sa iba’t ibang antas, hinikayat ang fiscal agencies na ikonsidera ang modelong ito sa paghubog sa lokal na polisiya.
“Mr. Chair, I’m trying to rationalize why in a lot of European countries, the tax rates are different between traditional cigarettes and vape products. There should be a reason. They have more advanced studies. They are more mature when it comes to taxation [of these products]. But here, why do we want to equalize the two categories? They should have a reason. I believe that when the wheel is not broken, we should not reinvent it,” ang litaniya ni Suntay.
Sa kabilang dako, binigyang diin naman ni Economist Bienvenido Oplas na napanatiling malinaw ng international models ang tax gaps sa pagitan ng cigarettes at e-cigarettes, na may excise differentials na naitala sa 45% sa Indonesia, 96% sa UK, at 100% sa New Zealand.
Habang nagaganap ang talakayan, idinetalye naman ng revenue at enforcement agencies ang kanilang nagpapatuloy na pagsisikap na lansagin ang illicit tobacco at vapor products.
Makikita naman sa pigura ng BIR ang pinatinding pagpapatupad laban sa tobacco at vape products, na may 6,196 activities na naitala noong 2026 at ₱1.7 bilyon sa excise taxes due— mas mataas kaysa sa 2,318 activities at ₱122 milyon na naitala noong 2025.
Ayon sa BOC, umabot na sa 253 kaso ng nasamsam na tobacco na may halagang ₱10 bilyon noong 2026, bumaba mula sa 317 kaso na may halagang ₱1.87 bilyon noong 2025. Umabot naman sa 18 kaso ang nasamsam na Vapor product na nagkakahalaga ng ₱1.6 billion ngayong 2026, kumpara sa 37 kaso na nagkakahalaga ng ₱649 milyon noong 2025.
Sinabi naman ni Atty. Dondanon Galera, Head Revenue Executive Assistant of the BIR, naipakita ng enforcement efforts ang steady increase sa illicit products na natuklasan.
“Base dun sa experience namin, padami nang padami ang huli namin ng illicit products,” ang sinabi ni Galera.
Ayon naman kay Rep. Nazal, sa pagtatakda ng tax rate, kailangan na ikonsidera ng mga mambabatas ang posibleng kahihinatnan para sa revenue generation at paglago ng illicit trade.
“As mentioned by the Chairman, we do not want to overtax to the point that we will promote further smuggling and discourage investors from investing in our country,” ang tinuran naman ni Nazal.
“That beyond a certain rate, we may not be raising more revenue at all but simply pushing consumers in volume to the illicit market,” aniya pa rin.