BATAAN, Philippines – Upang makatiyak na walang nakakapasok na anumang uri ng kontrabando partikular ang iligal na droga.
Muling nagsagawa paggalugad sa mga piitan at sorpresang drug test sa mga Person Deprived of Liberty (PDL) at mga Jail personnel sa Bataan District Jail, Balanga City Jail at Dinalupihan Municipal Jail.
Alinsunod sa programang “Operation Greyhound” ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ikinasa ang paggalugad sa Male and Female dormitories ng mga nabanggit pasilidad, kasunod ng sorpresang drug test.
Katuwang ng mga awtoridad sa inspeksiyon, ang K9 Sniffing Dog upang masigurong walang naipupuslit na iligal na droga at anumang uri ng kontrabando sa mga jail facilities.
Sa operasyon, nag- negatibo sa presensiya ng iligal na droga ang piitan at negatibo din drug test ang mga Jail Personnel at wala ring nakumpiskang anumang uri ng kontrabando sa mga nasabing jail facilities. (ROEL TARAYAO)