Home NATIONWIDE 9 sa 19 nasawi sa engkwentro sa NegOcc, sibilyan – CPP

9 sa 19 nasawi sa engkwentro sa NegOcc, sibilyan – CPP

77
0

MANILA, Philippines – Kinuwestiyon ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang ulat ng militar kaugnay ng engkwentro noong Abril 19 sa Toboso, Negros Occidental, kung saan 19 ang nasawi.

Ayon sa CPP, 10 lamang sa mga napatay ang armado at kabilang sa New People’s Army, habang ang siyam na iba pa ay sibilyan at hindi umano kasapi ng kanilang hanay—taliwas sa pahayag ng Armed Forces of the Philippines at Philippine Army.

Kabilang umano sa mga sibilyan ang isang community journalist, student leader mula UP Diliman, mga peasant organizers, at dalawang menor de edad. Iginiit ng CPP na ang mga ito ay “unarmed” o hindi lumahok sa labanan.

Inamin naman ng grupo na dumanas ang NPA ng “tactical defeat” sa insidente, ngunit iginiit na hindi nito mapipigilan ang kanilang kampanya.

Binanggit din ng CPP ang umano’y hindi pagkakatugma ng datos ng militar, partikular sa bilang ng mga baril na narekober—mula pito, naging 20, at kalaunan ay 24.

Samantala, naninindigan si AFP Chief General Romeo Brawner Jr. at ang Philippine Army na lahat ng napatay ay armado at nakipagbakbakan sa tropa ng gobyerno.

Dahil sa magkasalungat na pahayag, nagsagawa na ng hiwalay na imbestigasyon ang Commission on Human Rights upang alamin ang tunay na nangyari at matukoy kung may paglabag sa karapatang pantao. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here