Home HOME BANNER STORY 9 tripulanteng Pinoy ng seized tanker balik-Pinas na

9 tripulanteng Pinoy ng seized tanker balik-Pinas na

MANILA, Philippines- Dumating na sa Pilipinas nitong Linggo ang siyam na Filipino crew members ng oil tanker na nasabat ng Iran navy sa Gulf of Oman.

Inihayag ng Department of Foreign Affairs na dalawa pa ang inaasahang darating ngayong linggo. 

“‘Yung dalawang aalis pa, Tuesday or Wednesday aalis sila,” ani DFA Usec. Eduardo de Vega.

Hinihintay naman ng natitirang anim ang kapalit nila bago sila makauwi sa bansa.

“Hindi naman sila hostage per se, kasi kusang loob silang naiwan doon dahil binigyan ng double salary kaya out of their own free will sila na naiwan doon,” anang opisyal.

Tiniyak ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na handa silang magbigay ng psychocounseling sa dumarating na seafarers, maging financial assistance accommodation, at air fare sakaling umuwi sila sa kani-kanilang probinsya.

“Kakausapin po muna natin sila kung magdecide sila na magse-settle sila rito sa Pilipinas then we will provide reintegration sa kanila,” pahayag ni OWWA Deputy Administrator Atty. Honey Quiño.

Nasa kustodiya ng Iran ang Filipino crew members kasunod ng pagsabat ng Iranian Navy sa oil tanker St. Nikolas sa Gulf of Oman noong Enero.

Tugon ang aksyon ng Iran sa pagkumpiska ng US forces ng Iranian crude oil mula sa parehong vessel noong 2023. RNT/SA

Previous article3,447 traffic violators nalambat ng LTO-NCR noong Pebrero
Next articlePagkakaisa, pagpapatawad hiling ni PBBM sa panahon ng Ramadan