Home METRO 3,447 traffic violators nalambat ng LTO-NCR noong Pebrero

3,447 traffic violators nalambat ng LTO-NCR noong Pebrero

MANILA, Philippines- Iniulat ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR)  nitong Linggo na nasita nito ang halos 3,500 traffic violators noong Pebrero.

Inilahad ni LTO-NCR Regional Director Roque Verzosa III na ayon sa pinakabagong datos mula sa LTO-NCR Traffic Safety Unit (TSU), nasita ng Law Enforcement Unit and Law Enforcement Team ng ahensya ang 3,447 motorista noong Pebrero 2024 dahil sa iba’t ibang traffic violations.

Mula sa kabuuan, 2,026 motorista ang nahuli dahil sa paglabag sa Republic Act (RA) 4136, o ang Land Transportation and Traffic Code. Kabilang dito ang 301 kasong kinasasangkutan ng unregistered motor vehicles, batay sa ‘No Registration, No Travel’ policy.

Binanggit ni Verzosa na 591 motorista ang nasita dahil sa pagmamaneho ng sasakyang may depektibong accessories, devices, equipment, o parts. Kabilang pa sa ibang violations ang “driving while wearing slippers (314), failure to carry OR/CR while driving a motor vehicle (225), reckless driving (126), and driving without a valid driver’s license (89).”

Sa parehong period, 1,009 motorista ang nasita dahil sa hindi paggamit ng seatbelts. Gayundin, 391 motorcycle riders ang nahuli sa hindi pagsusuot ng wastong motorcycle helmets habang 15 ang namapgmulta dahil sa hindi pagsunod sa Children Safety on Motorcycle law.

Gayundin, anim na drivers ang nahuling lumabag sa Anti-Distracted Driving Act.

Samantala, nasita naman ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang 587 motorista na lumabag sa R.A. 8794, kilala rin bilang Anti-Overloading Act, habang inaksyunan ng Philippine National Police (PNP) ang 69 indibidwal na lumabag sa R.A. 10054 at 130 others para sa iba pang pang paglabag sa parehong period.

Iginiit ni Verzosa na magpapatuloy ang pinaigting na kampanya ngayong taon. RNT/SA

Previous articlePinas handang ipaglaban ng mayorya ng mga Pinoy mula sa mga dayuhang kaaway – sarbey
Next article9 tripulanteng Pinoy ng seized tanker balik-Pinas na