Home HOME BANNER STORY Pinas handang ipaglaban ng mayorya ng mga Pinoy mula sa mga dayuhang...

Pinas handang ipaglaban ng mayorya ng mga Pinoy mula sa mga dayuhang kaaway – sarbey

MANILA, Philippines- Handa ang mayorya ng mga Pilipinong ipaglaban ang bansa sakaling sumilab ang kaguluhan sa dayuhang kaaway, ayon sa pollster OCTA Research nitong Linggo.

Inihayag ng 77 porsyento, o tatlo sa apat na Pilipino, ang kanilang kahandaang ipaglaban ang Pilipinas, batay sa December 2023 Fourth Quarter Tugon ng Masa (TNM) Survey.

Base sa post sa X (dating Twitter), sinabi ng OCTA Research na kinomisyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nasabing survey.

Isinagawa ang pag-aaral mula Dec. 10 hanggang 14 noong nakaraang taon gamit ang sample size na 1,200 adult Filipinos na may ±3% margin of error.

Halos 60%,o anim sa 10 respondents, ang handang lumaban mula sa major study areas. Naitala sa Mindanao ang pinakamataas na rate sa 84%, habang nakita ang pinakamababang percentage sa Visayas sa 62%.

Tanong ng OCTA Research sa survey nito: “If there is a conflict between the Philippines and a foreign enemy, are you ready to fight for your country?” (“Kung magkakaroon ng kaguluhan sa pagitan ng Pilipinas at dayuhang kalaban, handa ka bang lumaban para sa iyong bansa?”)

Kasunod ang Dec. 10 hanggang 14, 2023 study period ng pagbomba ng China Coast Guard (CCG) vessel ng tubig sa barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources patungong Scarborough Shoal. RNT/SA

Previous articleAmihan magpapaulan sa North, Central Luzon
Next article3,447 traffic violators nalambat ng LTO-NCR noong Pebrero