Home NATIONWIDE Amihan magpapaulan sa North, Central Luzon

Amihan magpapaulan sa North, Central Luzon

MANILA, Philippines- Magdudulot ang Northeast Monsoon (Amihan) ng maulap na kalangitan at pag-ulan sa Northern at Central Luzon habang makaaapekto ang easterlies sa natitirang bahagi ng bansa, ayon sa PAGASA nitong Lunes.

Sinabi ng PAGASA na magdadala ang Amihan ng maulap na kalangitan at mahinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Aurora, Quezon, at Bicol Region.

Gayundin, makararanas anf Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ng “partly clody to cloudy skies with isolated light rains” dahil sa Amihan.

Inaasahan naman sa natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms” dahil sa easterlies o localized thunderstorms.

Nagbabala ang PAGASA sa posibleng flash floods o landslides sa mga apektadong lugar sakaling umiral ang severe thunderstorms.

Ayon pa sa PAGASA, inaasahan sa Luzon at sa eastern section ng Visayas ang moderate to strong wind mula east to northeast, na may coastal waters na moderate to Rough / (1.2 to 3.5 meters).

Para sa natitirang bahagi ng bansa, nakaamba ang light to moderate wind mula east to northeast.

Sumikat ang araw ng alas-6:06 ng umaga at lulubog ng alas-6:06 ng hapon. RNT/SA

Previous articleSEAMEN, NATUTUTONG MAGDASAL SA BIYAHE
Next articlePinas handang ipaglaban ng mayorya ng mga Pinoy mula sa mga dayuhang kaaway – sarbey