Home METRO 90 nasagip mula sa lumubog na bangka sa Tawi-Tawi

90 nasagip mula sa lumubog na bangka sa Tawi-Tawi

240
0

ZAMBOANGA CITY– Nasagip ng mga tauhan ng BRP General Mariano Alvarez (PS176) ang 90 katao sakay ng bangkang de-motor na nagkaaberya sa laot malapit sa Languyan, Tawi-Tawi noong Huwebes ng gabi.

Ayon kay Capt. Hilarion Cecista, acting commander ng Western Mindanao Naval Command, ang bangka na M/L Len-Lyn ay galing sa bayan ng Pangutaran sa Sulu at patungo sana sa Sibutu, Tawi-Tawi, nang makaranas ng aberya sa makina.

Dakong ala-1:30 ng hapon nang makatanggap ng distress call sa pamamagitan ng Viber mula sa isa sa mga pasahero, na nagsabing sila ay palutang-lutang sa layong 3.4 nautical miles hilaga ng Tumbagaan Island.

“Agad nagtungo ang BRP General Mariano Alvarez sa huling lokasyon ng bangka at natagpuan ito malapit sa Languyan Island,” ani Cecista.

Agad na hinila ng barko ng Navy ang M/L Len-Lyn patungong Chinese Pier sa Bongao, Tawi-Tawi upang masigurong ligtas ang mga pasahero.

Sa oras ng pagtanggap ng distress call, nagsasagawa ng routine maritime security operation ang PS176 sa lugar. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here