Home NATIONWIDE $900,000 project ng ADB layon na tapyasan ang unpaid care work

$900,000 project ng ADB layon na tapyasan ang unpaid care work

MAKAKAHINGA na ng maluwag ang mga kababaihang Pinay mula sa pasanin ng unpaid care work matapos aprubahan ng Manila-based Asian Development Bank (ADB) ang $900,000 technical assistance project para isulong ang de-kalidad at affordable childcare sa iba’t ibang lugar sa Asya at Pasipiko.

Ang proyekto, “Promoting Sustainable Investments in Quality and Affordable Childcare in Asia and the Pacific,” nakatuon sa apat na developing na bansa/ lugar sa rehiyon, kabilang na ang Pilipinas, Cook Islands, Kyrgyz Republic, at Vanuatu.

“Approved on Dec. 6, the initiative will focus on developing policies, improving childcare services, and building capacity to enhance access to affordable childcare for children aged 0-6 years,” ayon sa ADB.

“This will be the first regional technical assistance (TA) of the ADB focused on formal childcare provision,” ang sinabi pa rin ng ADB.

idinagdag pa nito na ang nasabing tulong “will provide research, policy dialogue, and capacity building to support the introduction and scaling up of quality, affordable, and accessible childcare for children aged 0-6 across Asia and the Pacific, and to accelerate socioeconomic and educational benefits for caregivers and children.”

Binigyang diin ng ADB na ang pagpapalawak sa childcare provision ay nakahanay sa Strategy 2030 at ng United Nations’ Sustainable Development Goals ng regional bank partikular na sa 4 at 5.

Noong Dec. 9, inaprubahan din ng ADB ang $1.5 million (P88.45 million) technical assistance special fund para palakasin ang partnership nito sa gobyerno ng Pilipinas.

Layon ng partnership na ito na palakasin ang ‘climate resilience, connectivity, at inclusive growth’ sa pamamagitan ng ‘strategic policy advice, institutional building, at innovative business development’ sa mga umuusbong na mga lugar.

Ayon sa ADB, ang technical assistance ay base sa six-year Country Partnership Strategy (CPS) ng multilateral lender para sa Pilipinas at inaasahan na susuportahan ang gobyerno sa pagpapatupad ng CPS priorities.

Samantala, ang National Economic & Development Authority (NEDA), bilang pangunahing ahensiya, ipaprayoridad ang pagtugon sa natitirang kahirapan, pagbabawas ng hindi pagkakapantay-pantay, pagpapabilis ng pag-unlad sa gender equality, pagharap sa climate change, pagtatayo ng climate at disaster resilience, pagpapahusay sa environmental sustainability, at pagpapalakas sa pamamahala at ‘institutional capacity.’ Kris Jose