MANILA, Philippines – Ilang indibidwal o deboto na ang kinailangan ng medikal na atensyon sa nagaganap na aktibidad sa Quaipo at Luneta.
Sa update ng Nazareno Operation Center, nasa 6 na katao ang nakaranas ng minor cases kung saan nakaramdam ang mga ito ng pagkahilo.
Agad namang nilapatan ng first aid ng mga medical team na itinalaga sa mga lugar.
Samantala, iniulat din na mula alas-4 hanggang alas-5 ng hapon ay umabot sa 3,500 ang crowd sa Quiapo Church habang 9,300 naman sa Quirino Grandstand sa Luneta.
Asahan naman na bubuhos ang mga deboto gabi ng Enero 8 hanggang sa mismong araw ng Traslacion , Huwebes.
Pinayuhan naman ng pamunuan ng Quaipo Church at ng Manila LGU ang mga deboto na sumunod pa rin sa health protocols gayundin hwaug na magdala pa ng mga ipinagbabawal.
Noong nakaraang Traslacion 2024 pumalo sa 6.5 milyong deboto ang nakiisa sa taunang tradisyunal na aktibidad na maaring bumaba naman ngayong taon dahil ang selebrasyon ay ipagdiriwang na sa ibat-ibang panig na ng bansa. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)