Home NATIONWIDE Security scanners, medical team nakapwesto na sa Quiapo church

Security scanners, medical team nakapwesto na sa Quiapo church

MANILA, Philippines – Naglagay na rin ng dalawang security scanner machine ang Department of Transportation (DOTr) sa entrada ng Simbahan ng Quiapo upang matiyak na maging payapa at ligtas ang idaraos na Pista ng Quiapo.

Sa naturang scanner, dadaan ang mga bag o bitbitin ng mga deboto bago pumasok sa Simbahan.

Ito ay bahagi pa rin ng security measures na pinaiiral ng mga otoridad at ng pamunuan ng Simbahan na matiyak na ligtas ang mga deboto at publiko sa pagsisimula ng idaraos na Fiesta Masses.

Pinalakas din ang kolaborasyon ng Simbahan sa mga medical health volunteers and organizations upang agad na makatugon sa sandaling may mahilong deboto o tumaas ang prisyon ng dugo.

Kaagapay sa aktibidad, ang Unilab kung saan sinabi ni Dr. Mary Mia Clamor, director ng College of Medicine ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at siyang head ng medical team ng Unilab na pawang mga bihasa na first aid at emergency situation ang mga kasama nilang volunteer na medical students.

Aniya, mayroon din silang form para sa assessment ng debotong makararamdam ng pagkahilo na nangangailangang dalhin sa mga ospital.

Bukod sa PLM students, may mga volunteer students din mula sa FEU Nicanor Reyes Memorial Medical Center at mga kagawad ng Philippine Air Force na katuwang ng Unilab at Simbahan ng Quiapo sa pagbibigay ng first aid sa mga deboto.

Bukod sa gamot, may mga pagkain din na binibigay sa mga deboto ang mga naturang grupo ng volunteers na magbibigay serbisyo sa mga deboto hanggang alas dose ng tanghali bukas .(Jocelyn Tabangcura-Domenden)