Home IN PHOTOS Inabandonang sanggol sa Malabon nasa mabuting kalagayan na

Inabandonang sanggol sa Malabon nasa mabuting kalagayan na

NAGTUNGO si Malabon Mayor Jeannie Sandoval sa San Lorenzo Ruiz General Hospital upang bisitahin ang inabandunang sanggol na natagpuan ng mga residente sa kahabaan ng McArthur Highway, Brgy. Potrero noong
Disyembre 24, 2024.

Ang sanggol, na nakitang nakalagay sa loob ng pulang eco bag na agad na dinala sa ospital para masuri sa kalusugan.

Nang maging mabuti na ang lagay ng sanggol, sya ay ililipat na sa Reception Study Center for Children sa Quezon City sa ilalim ng DSWD management, kung saan dadaan ang proseso ng pagbibigay sa kanya ng pangalan at iba pa niyang pangangailangan. JOJO RABULAN